"Tatlong Segundo"

Isa...dalawa...tatlo... tatlong segundong napako ang tingin sa'yo. Tatlong segundong tumigil ang mundo ko, mga segundong naakit mo ang puso ko. Kay bilis...kay bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap ako'y nagmistulang preso, sapagkat binihag mo, ang diwa't ulirat ko. Diwa't ulirat ko na dating aktibo. Ang dating simpleng mundo ko, pinakulay at pinasaya mo. Masilayan ka lamang sa araw-araw, kumpleto na ang mundo ko. Nakilala mo ako, naging magkaibigan tayo! Sobrang kaligahayan ang nadama ko, Bulong ng isip ko "sa wakas nakilala ako ng taong gusto ko" Nakasama kita sa araw-araw, masaya ako, masaya ka. Lahat ng bagay nalaman natin sa isa't isa, naging matalik na magkaibigan tayong dalawa. Lumalim ang pagtingin ko sa'yo, kya't napag-isip-isip ko na aminin na ito. Aaminin ko na ang nadarama ko, upang malaman kung gusto mo rin ba ako Isa...dalawa...tatlo... Ito na ang tatlong segundo, tatlong segundong makakapagpabago ng mundo ko. Tatlong segundo na sasagot sa kaligayahan o kalungkutan ko. Nadarama sayo'y inamin ko na, "GUS-TO-KI-TA" Tatlong segundo ang inilaan ko, upang masambit ang mga katagang maaaring katakutan ko. Mata sa mata, tinitigan mo ko. Tatlong segundo ang pagkurap at paghinga ko. Ang mga segundong kumakalabog ang puso ko, parang may mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo. Natapos ang tatlong segundo, iniling mo ang ulo mo. Kasabay ng pag-iling mo, sinambit ang katagang naging dahilan ng pagkalungkot at pagluha ko. Isa...dalawa...tatlo... "PA-TA-WAD-HIN-DI-KI-TA-GUS-TO" Tatlong segundong tumigil ang paghinga ko. Tatlong segundo bago nag-unahan ang mga luha ko.

Comments