Minsan may mga pagkakataon na yung taong minamahal natin ng tunay, sila pa yung mga taong iiwan tayo sa huli.
"Tatlong Segundo" Isa...dalawa...tatlo... tatlong segundong napako ang tingin sa'yo. Tatlong segundong tumigil ang mundo ko, mga segundong naakit mo ang puso ko. Kay bilis...kay bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap ako'y nagmistulang preso, sapagkat binihag mo, ang diwa't ulirat ko. Diwa't ulirat ko na dating aktibo. Ang dating simpleng mundo ko, pinakulay at pinasaya mo. Masilayan ka lamang sa araw-araw, kumpleto na ang mundo ko. Nakilala mo ako, naging magkaibigan tayo! Sobrang kaligahayan ang nadama ko, Bulong ng isip ko "sa wakas nakilala ako ng taong gusto ko" Nakasama kita sa araw-araw, masaya ako, masaya ka. Lahat ng bagay nalaman natin sa isa't isa, naging matalik na magkaibigan tayong dalawa. Lumalim ang pagtingin ko sa'yo, kya't napag-isip-isip ko na aminin na ito. Aaminin ko na ang nadarama ko, upang malaman kung gusto mo rin ba ako Isa...dalawa...tatlo... Ito na ang tatlong segundo, tatlong segundong makakapagpaba...
Comments
Post a Comment